I received an email from Dr. Benito Molino a good friend of mine and the one I mentioned in the earlier post. I think it deserves space here in my site. the text is in tagalog though I have yet to acquire an English copy of it. What is unusual though is how Galman was able to bring a gun and who supplied him with it if indeed he was the one who killed Ninoy. My deepest gratitude to Dr. Molino.
———-
Maligayang kaarawan sa lahat ng nagdiwang at magdidiwang ng kaarawan. Maligayang buwan din ng kababaihan sa lahat pati na sa ating mga lalaki dahil kalahati natin ay babae (XY tayo).
Nitong nagdaang linggo ay naging maugong muli ang usapin kung sino nga ba talaga ang bumaril kay Ninoy, saan binaril at sino ang utak sa pagpaslang…
Noong 2004 ang grupo ko sa forensic ay kinausap ng hepe ng PAO na si Hepe Persida Acosta upang pag-aralan ang mga ebidensiyang forensico na iprenisinta sa paglilitis. Ang lahat larawan, documento, mga TSNs, baril ay muli naming pinag-aralan. Pumunta din kami sa airport para bisitahin ang tarmac at gumawa ng pag-aaral kung ilang segundo ang magagamit sa pagbaba sa hagdan ng eroplano, mabilis, katamtaman at mabagal… gumawa ng re-enactment, binisita namin ang mga sundalong nakapiit sa NBP, gumawa ng test firing experiment atbp… binisita din namin si dr, Munoz ang gumawa ng autopsy, pero di siya nakipag-usap.
Ang aming report ay ginamit ng PAO sa kanilang mosyon sa Supreme Court para muling buksan ang kaso… dalawang beses itong hindi pinayagan…
Ano ba ang aming mga findings: Mga susing findings lang ang ibabahagi ko:
1) Sa tarmac at hindi sa hagdan binaril si NInoy: walang dugo sa hagdan o sa baba ng hagdan; nasa tarmac malapit sa van ang dugo, kanan si Moreno, sa kaliwang likod ng tainga (mastoid) ang tama ni Ninoy; walang dalang baril si Moreno; Ilokano si Moreno; walang Bisaya sa mga escort; kung baba ka sa hagdan na mabagal, sa loob ng sampung segundo ay nakababa ka na sa hagdan at mga 5 hakabang ka na mula sa hagdan.
2) malapitan ang pagbaril kay Ninoy mula sa kaniyang kaliwa bandang likod; less than 12 inches, malamang 3 to 6 inches; ang stippling o gun residues ay makikita pati sa harap na bahagi ng tainga; hindi magkakaroon ng ganitong stippling kung galing sa likod ang bumaril malapitan man o may kalayuan; ang hugis at laki ng entry wound ay kasukat ng 0.357, (gumawa kami ng firing experiment hinggil dito) 0.357 ang baril ni Galman, ito ang kahiyang niyang baril;
3) Trajectory: hollow point ang ginamit na bala; nabibiyak ito pagtama sa target – pagtama sa mastoid ni Ninoy nahati-hati ang bala na may dalawang malaking fragments, pataas, paharap at pakanan ang takbo ng mga fragments; ang isa ay nabaon sa kanang temporal; ang pangalawa ay tumama sa petrous bone at nabago ang direksyon, bumaba sa baba. Ang presentasyon noon ay tuwid ang landas ng bala mula likod papunta sa baba, tinamaan ang petrous bone pero pinalabas nina Solis na ang buto na ito ay cartilaginous kaya walang deflection;
4) Buhay si Galman, di siya malamig na bangkay na dinala sa tarmac, dinala siya ni Martinez; pagkabaril niya kay Ninoy ay niwrestling siya ng isa sa escort ni Ninoy (de Mesa) dahil wala silang baril, inagaw ni De Mesa ang baril ni Galman; 0.45 ang tumama sa ulo ni Galman, may tissue reaction ang tama at duguan si Galman sa Tarmac. Ang back-up ni Galman ay si Martinez, kung hindi nagawa ni Galman na patayin si Ninoy, si Martinez ang gagawa.
Sino ang utak? Malamang mga taong manganganib ang mga position o interes sa pagbabalik ni Ninoy.
Kailan maituwid ang kasaysayan, hindi ito para sa pamilyang Aquino, para ito sa sambayanang Filipino sa ngayon at sa mga susunod pang henerasyon; kailangan nating malaman ang katotohanan.
Muling buksan ang kaso!
Dr. Benito E. Molino
More From SEO Philippines
SEO Philippines Recommends
- Floods in Pakistan – A letter by A Desai to Dawn (PakTeaHouse)
- A Win for the Women of Pakistan (PakTeaHouse)
No related posts.
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.

It doesn\’t matter whether Galman was the shooter or not. Galman\’s presence there proves a military conspiracy to the highest level.
The key to solving this biggest crime in our history is this:find who were those people that were heard shouting \"ayan na ayan na,ako na ako na,op, pusila,pusila!\" These were clearly words of command being given to someone out there while Aquino and the escorts were running down(yes,they were running,not walking down the stairs-the escorts were physically dragging Ninoy out in the open to be killed!) If Galman acted on his own,then these words wouldn\’t have been heard on the tapes. Was it Martinez ordering Galman to shoot \"him\", referring to Aquino?(pusila,pusila!) Is this Pablo Martinez a Visayan? Who among those in the tarmac on that day are Visayan? Did the fact finding committees ever ask this? Also,if Ninoy was shot by using a .357 magnum at close range,his head would have been obliterated right on the spot like a watermelon because this is a very powerful gun,even when fired from a longer distance. An independent Japanese forensics team correctly argued this not long after the assassination. As they argued,it couldn\’t have been a .357,because except for the entry and exit point of the single bullet,Ninoy\’s head was relatively undamaged,though badly disfigured by the gunshot, and the impact of hitting the tarmac. So they pointed out that it might have been a firearm of a smaller caliber. Either a .38 or 9mm. If it wasn\’t Galman,then the shooter was one of the escorts remaining on the stairs. That would explain the entry wound on Ninoy\’s left ear,with downward trajectory going down to the exit wound at his chin. That\’s because Ninoy and his escorts were already on the tarmac,running towards the van. Actual photos show that Ninoy was almost near the door of the van when he fell–the blood from his head was found almost near the leaft rear bumber of the AVSECOM van.
As Ninoy himself prophesied,\"in a matter of a few minutes it could be all over you know….\"